圖片來源:runnyrem on Unsplash
文/Sheena Flor Tamayo
翻譯/何薇薇
我小時候很喜歡閱讀童話故事,白雪公主、長髮公主、美女與野獸,而我最喜歡的當然是灰姑娘!我還沒7歲的時候,第二頻道播出了灰姑娘,不管在電影、書籍、舞台表演,只要有她出現,啊哈,我可是絕對不會放過任何機會呢!
當然,這一定要是免費的。不然我國小的零用錢只有15元──6元車錢,來回是12元;剩下3元,媽媽說可以用來買紙。她知道我很喜歡畫畫。你一定在想,那鉛筆和午餐怎麼辦?不用擔心,因為我有很多新的。晚上睡覺以前,媽媽會幫我削好尖尖的鉛筆,放在書包的小口袋裡,每次還會帶上飯菜。學校7點上課,但到校需要1個小時半的車程,所以媽媽3點鐘就要起床準備我的午飯。剩下的3元,我總會存起來,直到禮拜五。零售的中國城就在附近,可以去買蝴蝶髮夾──以前非常流行那種蝴蝶翅膀會抖動、閃閃發亮的夾子,當時只賣5元。我會買個3支,到了禮拜一去學校時,就可以轉賣給同學,一支賣8元。直到學期末,我就有了足夠的錢,我們所有人也都有蝴蝶髮夾可以夾在頭髮上。「友誼目標」!
童話故事裡的世界
我只在這些童話書中讀到過,總是幻想著自己有一天能夠進到宮殿裡,沒想到今天真的能實現,這太不可思議了!太不可思議了!澳門!你沒辦法想像我第一次踏進這裡時眼中的閃爍。這比聖費爾南多(譯註:San Fernando,菲律賓城市)的燈籠更閃耀輝煌。好多好多的宮殿!
我的天啊!雖然我讀過每一本睡美人的書,但這裡並不像典型的宮殿,或電視上白雪公主的繼母在魔鏡前只是自我感覺良好那樣。這真的不一樣,各位,我發誓!我稱它們為「千禧宮」。對!答對了!這就是現代的宮殿,姊妹們!引起我注意的第一座宮殿非常巨大,彷彿一片葉子,底下則是洋蔥狀,我至少連續5秒鐘只能不斷說出「哇~」,因為那真是太漂亮了!如果說埃及法老是挖掘土地把黃金埋起來,這個國王則完全不一樣,因為他為整個建築物做了裝飾,真是自命不凡。大廳中間鑲了一排華麗的鑽石,剛開始我還以為是噴泉,但……這一切真是神奇!
這些珍貴的鑽石,設計非常獨特,似乎是富裕的蘇丹所擁有的。如果問我,我最喜歡的就是這個。不過既然剛剛提到噴泉,讓我也闡述一下我在另一個地方的發現──那裡真的有噴泉,姊妹們!他們還邀請一組合唱團,讓人們一邊欣賞水的變化,一邊聽優雅的音樂並搭纜車,非常浪漫。我本來打算邀請克里斯.伊凡,也就是美國隊長──如果我有多餘時間輕鬆輕鬆一下,跟這些兄弟開個玩笑。
還有一座宮殿不想被打擾,它已經佔領了義大利及法國,據說連倫敦也被佔領了,所以大家廣為而談的事情,在當時是最受歡迎的。另外一座則是由白銀製作的宮殿,裡面有一處表演水舞的噴泉,非常具有可看性。我絕對看不膩它們的演出。我心中漲滿情緒,好想在表演完後放煙火慶祝,但是我又沒有錢,所以只能盡量拍手叫好以表達出我的感動。
穿上洋裝的灰姑娘
「你好!早上好!」
非常有朝氣的跟我自己打招呼,面對著鏡子。等等!你們搞不好會認為我瘋了才會跟自己講話,但其實,我只是在練習。再過幾個小時,我們就要聚集在澳門的一座大宮殿裡,那是我們服務客人日常營運的其中一個地點,我把它稱為「會議」。這像一場特別的節慶,由一連串動作組成的慶祝活動。至少我每次去上班,都是感到振奮且激動的。
我們有很多來自全國各地的遊客。國王不斷提醒我們,要興奮、開心的迎接每位來參加聚會的人。我們每位服務人員,女性都要穿著洋裝,男性要穿著西裝。
我們不再為穿著打扮煩惱,因為宮殿會幫我們準備要穿的衣服。厲害吧?你只要給出自己衣服和鞋子的尺寸,其他就完全不必擔心。至於頭髮,女性必須要整齊乾淨的盤起來,不可以遮住臉,並要用髮網覆蓋住。我還在鏡子前面,把頭髮旁分,綁起來盤上去,就像亞莉安娜.格蘭德的模樣,用網子蓋住全部的頭髮,再加上我在名創優品買的黑色蝴蝶結,這樣比較特別一點。就像我對待自己的每一天,都是上帝所賜予的禮物。
哇!我話太多了,導致我只剩下幾分鐘可以到會場。我畫了簡單的妝容,黑色的眉毛,深咖啡色的睫毛,臉頰撲上粉色腮紅,帶點深粉色的口紅,最後擦上古銅色的粉底,照亮我深色的肌膚,我就像一位菲律賓單身女![1]一到宮殿,就領取我的洋裝,快速到我的置物櫃前。洋裝是藍色的,有衣領、腰部緊縮、裙子過膝,再配上白襪、黑皮鞋與藍色的腰包。早上9點半,宴會快要開始了。
所有要參加的嘉賓都在地下室等待。有些官員從宮殿進場,有些手機需要在這天使用。有手機發揮了最大的長處,因為可以輕易地在適當時候聯絡到官員。啊,我們菲律賓的官員也能這樣輕易的聯絡上就好了!最大的官員呼喊一聲「祝大家有美好的一天」之後,慶典正式開始。
打開每扇門,都是一份驚喜
我位於第28層樓,跟我在一起的是兩位華人安娜和雅妮。她們人很好,雖然我們無法溝通,但還是會互相幫忙。我們各有14位嘉賓需要服務。可以引導他們離開、也可以留下來。也許就像愛情關係一樣,我們無法讓我們所愛的人留下來或者離開,所以每次都要為自己有所保留,就算分開會暫時痛苦,但是不會一直都那麼痛。開玩笑的!
又來了,我又在戲劇性的開玩笑了,真是抱歉夾雜了這些用語。到了我們的食品區,我們把個人用具準備了一下,每個人都有一台運輸車,我們要自己推著走。裡面放著50瓶水、50~60條不同大小的毛巾、12~15套床組、一些盥洗用具,還有茶、咖啡、筆等等等等。快來噢,我的常客!來買我的東西,大減價喔!這忍不住讓我想起中國城的大賣場。
我與我的手推車已建立了深厚的感情。我一整天都跟它在一起。它陪著我度過困難及艱辛的日子,有時候我也會跟它訴說心事,或者跟它說我在宮殿裡發生的新鮮事。我推著我的知己經過走廊,走進我的第一個房間時,我已經喘不過氣來,因為它的重量差不多已超過100公斤了。
我到達我的準備區,好等待第一個需要清潔的房間,好像我的禮物一樣,一個一個開啟。裡面可以是美好的驚喜,也可以是慘痛的經驗。過沒多久,我的手機響了,有人退房了。
我敲了敲門,輕輕地把門打開。第一個使用的客人還滿乾淨的,全部的垃圾都在垃圾桶裡,使用過的毛巾及床罩等都已經摺好放在一邊,這樣可以讓我整理的工作進行得快一點。我看了一下客人的名字,嗯,等一下,她與我母親的名字一樣,都是安妮!這讓我感覺很輕鬆。我突然想到我的父母,生為長女的我,親眼目睹了他們為我們生活所做的犧牲奉獻,提供我們美好的生活和良好的教育。早上必須起個大早,幫我們準備食物和飲料帶去學校。每當我們生病,他們沒辦法安穩的睡覺,如果我們沒有車錢去學校,母親就會去隔壁跟鄰居借錢,只為了不讓我們缺課。而父親為了省錢,會騎腳踏車從湯度區到馬卡第[2],只要傾盆大雨,他就會很晚回家。他們是我力量的根源,也是我動力和靈感的來源。
我一走出來,就碰到一位可能來自歐洲或美國的客人。
「早安女士。」
我微笑對著她問候了一下,她也微笑面對,走近我問:「可以麻煩妳幫我清潔嗎?」她給我看了她房卡上的號碼,就並急急忙忙地離開了。我也按照房號去清潔。打開她的房間,立刻聞到Jo Malone香水的味道。這位客人的房間也整理得非常乾淨,梳妝台上擺滿了美妝產品,各種昂貴的品牌。我也喜歡使用一些化妝品,特別是我被誘惑、嘲笑或失去判斷的時候。我就會東買買西買買。
她們所說的各種美容辦法我都試過,只為了被這個社會所接受。但是我的皮膚越擦越糟。我更失去了自信,直到我學會了愛自己和尊重自己。25歲時,我厭倦了那些誇大不實的廣告。請停止不實的承諾!有一次我走進浴室,在鏡子前看著自己。我很醜嗎?我很容易被淘汰嗎?(右邊的眼淚慢慢流下來)喔!你千萬別為我流下眼淚,我只是在學麗莎.蘇別納(Liza Soberano,菲律賓美國籍混血影星)。我發現我的深色黃種皮膚也很漂亮。我長得像Venus Raj,她2010年得過菲律賓小姐的榮銜;如果我把頭髮撥亂,就像碧昂絲。我試著向右看,等一下,洛維.波(Lovi Poe,菲律賓影星),我不敢置信又向左看,啊喲等一下,我還以為是納丁.露絲翠(Nadine Lustre,菲律賓影星)!原來我還是我,詹姆斯.里德(James Reid,納丁.露絲翠的伴侶,也是一位菲律賓影星),你等著我!我本來還想再從另一個角度看看,但是門砰地一聲打開,我的室友非常不悅的說,我已經在廁所一個多小時了。我之後再也沒有做過這件事情。
我要清理的第三個房間是空房。但一打開衣櫥,發現客人遺留下一件洋裝。我立即通報官方,好讓她們在失物招領區可以找到。剛好我要去公司,嗯,讓我跟負責排班的主管說,不知我先前請求的排班有沒有核准。
我仍舊相信會「從此過著幸福快樂的日子」
我上一次回去是去年的時候,我好想好想我的兄弟姊妹,她們一直傳訊息給我。
「姊姊,下個禮拜就必需要繳下一期的學費。Ps. 你好漂亮喔~」
「姊姊,我們下禮拜有會議要在碧瑤開,我已經在臉書照片上按讚囉。」
「姊姊,我的包包壞掉了,你可以幫我買便宜一點的包包嗎?」
「我不是說要買Herschel包,姊姊,但是聽說他的包包超堅固的。」
所以本來要買巧克力帶回菲律賓,最後會變成帶洋裝,因為我的姊妹喜歡。我們年齡雖然不一樣,但是尺寸都是一樣的,我最喜歡的,她們通常也喜歡,所以幫她們買東西變容易了。等我通報完遺失物後,偷偷去找幫我們排班表的主管,但是她不在。完蛋了,現在都幾點鐘了?我得趕緊跑回工作崗位,去清理我今天的工作目標裡的第四個房間。
走進第四個房間,正值下午,天氣非常好,我忍不住從窗戶往外看向路面。從以前我還是學生的時候,我就非常喜歡坐在窗邊,趁老師還沒有到時先看看雲層,編織自己的夢想。我很喜歡表演、跳舞、演戲、參與製作團隊,在社團也很活躍。有時我還會籌辦慶祝活動,像是餐飲、生日、婚禮或演唱會等。那很累,拿到的錢很少,有時還做白工,但是很快樂,成就感很大,因為我成長不少,可以擴展視野和經驗,尤其是面對各種不同的人格。大學畢業後,我必須選擇要賺錢還是發展興趣?但我其實沒得選,我需要養家餬口。所以我放棄了我喜歡做的事情,選擇了澳門幣(Pataca)。現在,門廳和四面牆壁是我的新住所。
第五個房間,我突然叫了一聲,因為我不小心被玻璃碎屑刺到了。原來客人打破了房間的玻璃杯。我的手開始流血,立即到茶水間用醫療膠帶蓋住出血部位。
這是我這禮拜第三次受傷,但是這絕對不是我屈服的原因,我可是身經百戰,這區區小傷口,何況我是湯度區數一數二的人!我相信,
「沒有不可能的事情!」
「任何事都難不到我!」
「每個人都是朋友!」
而且我最喜歡的一句,也是永遠不朽的一句:「從此過著幸福快樂的日子。」
以前,生活對我來說是光明而多彩的。以前!那是以前!已經過了10年了。再過2個月就是我的生日。我那時才19歲開始,有著天真無邪的天賦,而我現在30歲,已經是一顆傷痕累累的心。但是我很勇敢,因為我有著感恩的心!對我來說,每一天都很高興,因為這是上天給予的禮物,我也沒有失去希望。我到現在還是相信:
「沒有不可能的事,只要相信自己。你必須努力工作,努力!」
「一切都可以完成,但是你也需要為自己休息,因為如果你生病了,你要如何實現你的夢想?」
「每個人都是朋友,但這不代表你是他們的朋友,所以你要小心那些你給予信任的人,更要小心翼翼的呵護別人給你的信任。」
「從此過著幸福快樂的日子」還是存在著,你只要相信,不要著急,最後當你準備好了,就會得到你應得的。在我7月生日這天,我將慶祝生命中因為這些事情而獲得的所有創傷和疤痕,因為這些使我變得更強壯,而且我準備好迎接下一個挑戰了。繼續奮戰!!
灰姑娘遇上王子
到第六個房間時,我的肚子開始叫了,害我不斷幻想著菲律賓酸湯、菲律賓紅燒肉、苦湯、內臟菜……還好聖瑪洛澳門議事亭前已經有攤販在賣菲律賓菜,有Sharimanok、Giro’s、Chinoy、Lilys、DC咖啡和Umami。如果我想要吃炸雞和義大利麵,我只要禱告跟上帝囉嗦一下要求……到最後!恭喜澳門,你最後終於有快樂蜂(Jollibee)了。
這裡也有很多泰國菜,像Yarawat Nina(餐廳名)裡的泰式酸辣蝦湯,只要一喝,保證會讓你忘了你喜歡的人不喜歡你。而ponte 16(餐廳名)裡的泰式炒麵,你只要嚐到這個滋味,會讓你感受到那個不屬於你的愛情,尤其在氹仔(澳門一座島嶼)嘟嘟車賣的泰式奶茶,只要一喝,你就會變得開心,因為你會認清你已經傻瓜麻木很久的事實。我的肚子還是在叫。我好想念媽媽煮的KBL(木豆、肉、波羅蜜),那道菜在伊洛伊洛市非常有名;Laswa[2]有小小的蝦子,我必須在這裡買材料。我拜訪過澳門路環,那裡的乾魚和海鮮超好吃的;我也會去安德魯餅店,買大家都愛吃的伴手禮和蛋塔。還有超受菲律賓人歡迎的街角串燒攤販,尤其有點辣的咖哩醬料,那裡的牛肉像菲式培根一樣一塊一塊的,也可以當作伴手禮帶回去。我在阿嗎山鮪魚加上黑豆,也非常特別,還有新苗超級市場超級大的午餐肉罐頭。你呢,你喜歡哪一個?
我的第七間房。但是我到現在還沒吃,因為客人急著想要休息,因此我得趕緊收拾乾淨她即將入住的房間。賺錢真困難,所以我需要好好的工作。沉重的手推車至少花了我四成的力量。但我一打開房門,還以為自己是在森林裡,濃煙密布,酸味及潮溼的濕氣都跑出來,原來我還在房間,那些堆滿的垃圾,好像置身Tayuman Street[3]。
地上有黏答答的湯漬,小朋友的大便,使用過的保險套,痰和嘔吐物,床單有時還會翻過來,棉被內容物被拿出來放到地面……我每天無法用手指計算,有多少次需要抖動和替換被套,好整理出乾淨的床組。處理化學藥劑的傷害也算不清多少遍,現在我必須戴著手套開始打掃,擦拭水槽、馬桶、鏡子和牆壁,還必須將抹布沾濕擦拭灰塵,一整天都要爬上爬下,跑來跑去,擦洗完還要用吸塵器清潔地毯。使用完畢後,要將所有清潔用品拿回茶水間擺好,最後再檢查房間是否香香的,覆蓋住先前聞起來像森林的味道。
當我正走在走道長廊上,到我的第八個房間時,看到一輛迎面而來的手推車。因為很餓加上眼神迷茫,我沒能看清楚是誰,然而隨著我們越來越接近,我的心跳也越來越快。他出現了,他出現了,他出現了。我就知道我的暗戀對象在這裡。我的雙眼呈現愛心形,喔!Rickman好帥喔,他好香喔,他就像嬌生嬰兒古龍水老闆的兒子一樣香。他的眼睛好可愛喔,看起來就像不會再找其他人一樣忠實。他的鼻子也好挺,嘴唇笑起來好漂亮,他的腳、膝蓋、後背、頭部……腳、膝蓋、後……我突然被驚醒了,因為他竟然跟我說聲「哈囉!」我也微笑的對他說「我……我也愛你。」他靠近我,拿出一條手帕幫我把臉上的汗擦乾,還告訴我:「不要工作到忘了照顧自己,你看你滿身大汗的。」(背景音樂突然播放一首浪漫的歌。)
我的聖母瑪麗亞!!!我實在是無法克制自己的感情。我臉泛紅了,紅到可以去宴會烤香蕉了!就是這麼紅啦!突然砰一聲,我被現實驚醒,我的手推車撞到牆上。嚇一跳的我轉頭看看四周圍有沒有人,還好東西都沒有損壞。嘿!!原來都是我的幻想,我還是去打掃好了。
澳門的灰姑娘
第九個房間,我凡人的身體真正的感覺到疲倦。我的腳開始疼痛了,已經一整天都不停的跑步、走路,穿著厚重的鞋子爬上爬下,我剛受傷的手又隱隱作痛,我的背也好痠,因為已經一整天需要彎腰整理寢具;我的膝蓋也沒力了,因為一整天都跪地及屈膝清理地板。我的手臂和肩頸也好痠,因為需要搬動很重的東西。
我在這兒以移工身分工作的第一年,享受著賺錢的滋味,拚命買一些亂七八糟、自以為需要的東西,像化妝品、飾品、包包、香水、鞋子,想讓自己變美麗。我跟我的知己凱和艾莉絲也時常出去找好吃的,早餐、午餐、晚餐都在外面吃。我們最常去的是吃到飽,喝奶茶、吃洋芋片和冰淇淋。在一個月裡,我有兩到三次機會去看電影,也利用短短的休假時間去不同的國家,直到我們意識到,我們必須要存錢了!
「食物是一切」、「旅遊是一切」、「你一生只活一次」,這些仍然是我生活的左右銘,但是增加了一項,就是「必須要存錢、要投資」,因為在國外工作並非可以永遠維持。時間不停的轉動,我並非永遠都有精神體力做事。此外,我的父母也漸漸邁入老年,我的兄弟姐妹也一個個都大了。我不要等到最後,才想到要留給自己一點。我要一點一點慢慢的儲蓄,直到我的願望達成和財務自由。我要一點一滴的學習新的方法,發展我的技能和能力。不管在財務管理和其他領域裡,一點一滴的豐富自己的才能,可以幫助和激勵年輕一代。
第十個房間,我發現一張舊的澳門照片,登在一本雜誌上,裝框掛在房間裡。澳門跟以前比起來真的差好多,一直不斷進步。出現的不僅是他們當地人,還有我們這些從國外來的移工,想跟我一樣出人頭地的其他人。儘管身體疲憊,但我精力充沛。感謝上帝給予我永遠的愛,給予我幸福的家庭,給予我真正的朋友,以及我成長的地方菲律賓,和我現在的工作地澳門。
還有你們。感謝你們的陪伴,陪著我清潔這十間房間。最後的四間,因為有客人趕著入住,所以我就先告辭不陪你們了。希望你們喜歡我的分享,直到下次重聚。我是澳門的灰姑娘,很高興為您服務。
——-
[1] 原文為Isang dalagang pilipina yeah,一首菲律賓流行歌名。 [2] 希利蓋農人有名的一道菜。 [3] 菲律賓一條骯髒的街道。——-
本文為雙語呈現,以下為原文:
Ang Cinderella ng Macau
Mahilig akong magbasa ng fairytales nung bata. Snowhite, Rapunzel, Beauty and the Beast at ang pinakapaborito kong storya sa lahat.. syempre si Cinderella! Hindi ata pinalampas ng pitong taong gulang na ako ang series ng Cinderella sa Channel 2! Mapasine, libro, o sa pagtatanghal sa entablado basta’t may pagkakataon aba! aba! hinding hindi ko palalampasin yan no! Pero dapat libre ha? Eh yung kinse pesos kong baon sa elementarya pamasahe ko yan pauwi! Sais ang pamasahe at dalawang sakay pako, yung tres sabi ni mama pambili ko ng papel kung mauubusan man ako, alam kasi niyang mahilig akong gumuhit ng kung anu-ano. Kung iniisip mo naman paano yung lapis at pagkain ko. Wag ka nang mag-alala, marami akong bagong tasa sa bulsa ng bag ko na tinatasahan ni mama sa gabi bago matulog at lagi akong may baong kanin at ulam. Alas syete ang pasok, isa’t kalahating oras ang byahe kaya naman alas tres pa lamang ay nagigising na si mama para ipaghanda ang pagkaing babaunin ko. Ngunit yung tres na natitira sa baon ko ay iniipon ko talaga yan hanggang Biyernes at dahil malapit lang kami sa Divisoria ay bumibili ako ng paru-parong hairclip. Yung usung-uso dati na gumagalaw galaw na may pakpak na glitters at kumikintab. Limang piso isa nun kaya nakakabili ako ng tatlong piraso. Tapos sa Lunes bebenta ko sa mga kaibigan ko ng tigootso pesos. Hanggang sa matapos ang unang quarter sa school may ipon na ako at lahat kami nakabutterfly clip ang buhok. #FriendshipGoals
Nababasa ko lamang ito sa isang libro, at nangangarap na balang araw ay makarating din sa isang palasyo. Hindi ko akalain na mapupuntahan ko ito balang-araw. Grabe! Grabe ka Macau! Kung makikita mo lang ang kislap sa mga mata ko nung una ako makakatungtong sa lupaing ito, mas makislap pa sa mga parol ng San Fernando! Napakadaming palasyo!!!
O M G!!! Pero hindi ito ang typical na palasyo sa libro kung saan nagsleep over si sleeping beauty ng ilang daang taon, o yung isang katulad sa stepmother ni Snow White na pinapakita sa telebisyon tuwing magfifeeling GGSS (Gandang ganda sa sarili) siya sa tapat ng mahiwagang salamin ha! Iba to guys! Pramis! Tawag ko sa kanila, “The Millenial Palace”. Yes! Korek! Ito na nga ang makabagong palasyo mga sis. Ang unang palasyong kumuha ng atensyon ko ay ang napakalaking kaharian na hugis dahon at hugis sibuyas sa bandang ibaba nito. Napawow talaga ako nang hindi bababa sa limang segundo! Ang Ganda! Kung ang mga pharaoh sa Ehipto ay naghuhukay sa lupa at ibinaon ang ginto, ibahin ang hari ng palasyong ito dahil ipinakabit niya sa buong gusali upang maging palamuti. Bongga!!! May engrandeng palasyong naglalabas ng malaking diamond sa gitna ng kanilang bulwagan, akala ko nung una fountain lang pero oooh.. magic! May padiamond ang kamahalan! Kakaiba ang disenyo at tila mayamang sultan ang namumuno nito. Para sa akin ito ang aking pinakapaborito. Nabanggit ko na lang din ang fountain ay ikukwento ko nadin ang nasaksihan ko sa kabilang lupain, may pafountain din ang mahal na hari mga bes! Tila kumuha pa siya ng choir dahil habang pinapanood mo ang cool effects ng tubig, may pamusic at pa-Cable Car, napakaromantic! Balak kong ngang imbitahan si Chris Evans a.k.a Capt. America pag may ekstrang oras ako, chill chill lang ganun, walang malisya mga tol! Meron pang isang palasyo na ayaw pakabog pagkat tila ang bansang Italya at Pransya ay kanyang sinakop, balita ko’y pati London ay kanila na ding sasakupin kaya kapansin pansin na sa lahat, sila ang pinakasikat sa mga panauhin. Sa kabila naman ay palasyong gawa sa pilak may parte sa palasyong ito na Tahanan ng Sumasayaw na Katubigan. Isang obra maestra ang kanilang pagtatanghal. Hinding hindi ako magsasawang panoorin ang kanilang palabas sa sobrang galing ng mga nagtatanghal. Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko. Gusto ko nga magpafireworks after ng show pero wala naman akong budget kaya ginalingan ko nalang ang palakpak may kasamang tayo at sigaw ng woooh!!
“Ni hao!! Tsao Shang Hao!!”
Isang masigla at masayang pagbati ko sa aking sarili, habang nakaharap sa salamin. Oopps! Teka baka mapagkamalan mong nababaliw na ako ha pagkat kinakausap ko ang aking sarili, nag-eensayo lang ako okay? Ilang oras na lamang at nalalapit na naman ang pagtitipon sa isang malaking palasyo dito sa Macau. Ang palasyo kung san ako bahagi ng araw-araw na operasyon kung saan pagsisilbihan namin ang aming mga panauhin. Tinawag ko itong pagtitipon parang selebrasyon na may twist, umaatikabo at may halong aksyon! Atleast sa tuwing ako ay papasok, yung vibes ay positibo at exciting! Marami kaming makakasalamuhang mga panauhing nanggaling pa sa iba’t ibang panig ng bansa at ang unang una paalala ng hari para sa mga mamamayang dadalo ng kanyang pagtitipon ay batiin at salubungin ang mga ito ng may kasamang galak. Kaming mga mamamayang tutungo sa palasyo at dadalo sa pagtitipon ay kinakailangan magsuot ng dress para sa mga kababaihan, suit naman para sa mga kalalakihan. Hindi na kami mahihirapan sa paghahanda dahil sa palasyo na manggagaling ang aming susuotin. Ang bongga diba?! Ibibigay mo lang ang sukat ng iyong damit at sapatos. Wala ka nang dapat pang problemahin. Sa ayos ng buhok para sa mga kababaihan ay kinakailangang maayos na nakaipit, hindi matatakpan ang mukha at nakabalot ng hairnet. Nasa harap pa din ako ng salamin, hinati ko sa gilid ang aking buhok na mala-Ariana Grande ang peg at sinimulan ko nang itali ito at pinusod, binalutan ko ng hairnet at dinagdagan ko ng itim na ribbon na binili ko pa sa Miniso para maging mas espesyal, tulad ng turing ko sa bawat araw ko, pagkat bawat araw ay biyaya ni God. Naks! Ayan! ang daldal ko ilang minuto nalang pala mahuhuli na ako sa pagtitipon. Sinimplehan ko lang ang make-up ko. Ang itim kong kilay ay nilagyan ko ng dark brown eyebrow mascara, blush on na pink naman sa pisngi, medium dark pink lipstick sa labi at pinakahuli ang bronzer para ihighlight ang aking pagkamorena.Isang dalagang pilipina yeah! Pagdating sa palasyo at pagkakuha ng dress ay dali dali nakong nagpunta sa locker. Bughaw ang kulay ng damit at may collar, masikip ng konti sa bewang at lagpas tuhod ang haba ng palda. May kasamang puting medyas, itim na balat ang sapatos, at bughaw na belt bag din. Alas nuebe imedia na ng umaga, malapit nang magsimula ang pagtitipon! Ang lahat ng mamamayan ay nakaabang na sa basement. Dumating ang mga opisyal mula sa palasyo at pinagkaloob ang magiging alokasyon at may mga cellphone na gagamitin para sa araw na ito. Malaking tulong ang pagkakaroon nila ng cellphone para madaling matawagan ang opisyal sa oras ng pangangailangan. Hay! Sana ganyan din kadaling lapitan ang opisyal ng pamahalaan natin sa Pilipinas. Sumigaw ang pinakamataas na opisyal ng “Have a Great Day” at pormal ng nagsimula ang selebrasyon.
Ako’y nasa ikadalawangpu’t walong palapag at kasama ko ang dalawang chekwa na si Anna at Yanni. Mabait sila kahit hindi kami nagkakaintindihan ay nagtutulungan kami. May tiglalabing apat kaming panauhin na aming pagsisilbihan. Pwedeng paalis na o pwede din namang manatili pa. Ganun talaga siguro sa isang relasyon hindi natin masasabi kung mananatili ba o aalis ang mga taong pinaglalaanan natin ng pagmamahal kaya’t laging magtitira para sa iyong sarili para pag nasaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit..Charooot!! Ayan ayan na naman ako! nagdrama na naman ako! Pasensiya ka na hugot lang. Pagdating sa pantry ay inihanda na namin ang aming mga kagamitan. Dito ay mayroon kaming kanya kanyang karwahe, pero kami magtutulak ha. Naglalaman ng 50 pirasong tubig, 50-60 pirasong tuwalya na iba’t ibang uri ang laki, 12-15 set ng bed linen, mga kagamitan sa panligo, tsaa, kape, ballpen at marami pang iba! Tara na mga suki! Bili na kayo! Bagsak presyo! Murang mura lang! Namiss ko tuloy bigla ang market sa Divisoria! Matalik na kaibigan ko tong trolley ko buong araw ba naman kami magkasama at karamay ko sa hirap at sa mas mahirap pang sitwasyon. Minsan nga sa kanya na ako nagrereklamo ng mga hinaing ko o nagkukwento ng mga bagay na nadiskubre ko sa loob ng palasyo. Tinulak ko si Bestie, habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo patungo sa una kong kwarto hinihingal na agad ako halos higit isandaang kilo ata ang bigat nito.
Nagtungo na ako sa area ko habang naghihintay sa magiging una kong kwarto lilinisin. Para silang mga regalo na isa isa kong bubuksan pwedeng magandang surpresa o masaklap na magiging karanasan. Hindi nagtagal at tumunog na ang cellphone ko at may check out na ako.
*Pagkatok ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Malinis ang unang panauhing gumamit. Lahat ng basura ay nasa basurahan at tiniklop niya ng maayos ang madudumi at gamit na niyang kubrekama at twalya. Dahil dun ay malaking tulong ang nagawa niya upang mapabilis ang aking paglilinis sa aking ikaunang kwarto. Tinignan ko ang pangalan ng panauhin.. Huh? Teka lang, at kapangalan siya ng aking mama. ANNIE. Gumaan ang aking pakiramdam. Naalala ko ang aking magulang. Bilang panganay, ako ang nakasaksi sa mas marami nilang sakripisyo para sa amin, mabigyan lamang kami ng magandang buhay at maayos na edukasyon. Gigising ng maaga upang ipaghanda kami ng makakain at babaunin. Sa tuwing nagkakasakit kami ay hindi sila makatulog at mapakali. Pag wala kaming pamasahe si Mama ay nangungutang sa kapitbahay huwag lamang ako lumiban sa klase. Si papa para makatipid binibisikleta mula Tondo hanggang Makati, minsan ay gagabihin pa siyang makauwi dahil biglang bubuhos ang malakas na ulan. Sila ang ugat ng aking lakas, pundasyon ng aking motibasyon at liwanang sa aking inspirasyon.
*Paglabas ko ay nakasalubong ko ang isang panauhing maaaring mula sa Europa o America.
“Good morning madam”
Bati ko na may kasamang ngiti at ngumiti naman ito pabalik sabay lumapit at sinabing, “Can you please clean my room”. Pinakita ang numero ng kanyang keycard at nagmamadli nang umalis. Nagtungo naman ako at sisimulan na ang paglilinis. Amoy ng Jo Malone ang bubungad pagpasok sa kanyang silid. Maayos din sa gamit ang panauhin. Punung puno ang vanity closet ng mga beauty products. Iba’t ibang mamahaling brands. Nakahiligan ko din noon ang mga pampaganda, lalo na’t tampulan ako ng tukso, masasakit na biro at panghuhusga. Bili dito bili doon. Lahat ng sinabi nilang epektibo daw ay sinubukan ko para lamang matanggap ng lipunan. Ngunit balat ko ay lumalala, at nasira pa. Lalong nawala ang aking kumpyansa at tiwala sa sarili. Hanggang sa natutunan kong mahalin at respetuhin ang aking sarili. Dalawangpu’t limang taong gulang ako nang magsawa sa pangakong sinasabi sa mga patalastas! Tama na ang PAASA! Nung minsan pumasok ako sa banyo at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?! (dahan dahang tumulo ang luha sa kanang mata) Oh! Wag ka maiyak ginagaya ko lang si Liza Soberano. Naisip ko maganda din pala kapag morena, medyo hawig ko nga si Venus Raj na parang Beyonce pag igugulo ko lang ang buhok ko. Sinubukan kong tumingin sa kanan teka.. Lovi Poe? Hindi ako makapaniwala at sinubukan kong tumingin sa kaliwa, aba teka kala ko si Nadine Lustre na, ako lang pala to. James Reid humanda ka! Lilingon pa sana ko sa kabilang anggulo kaya lang kumalabog na yung pinto, nabadtrip na yung kadormmate ko magiisang oras na daw ako sa loob ng banyo. At hindi ko na inulit ang mga nangyari.
*Ang ikatlong kwarto ko ay bakante, pagtungo ko sa tukador ay may naiwang dress ang panauhin. Iniulat ko agad ito sa opisyal upang maipadala sa Lost and Found section. Tamang tama pupunta ako sa opisina, hmmm makausap kaya si Mam na gumagawa ng buwanang schedule. Aprubado na kaya ang hiling kong bakasyon? Nakaraang taon pa ang huling uwi ko, miss na miss na miss ko na ang mga kapatid ko. Panay padala nga ng mensahe ng mga yun..
Ate bayaran na po ng tuition namin next week. Ps.Ang ganda mo po.
Ate may seminar kami sa Baguio. Pinusuan ko na din po yung profile picture mo.
Ate nasira po yung bag ko bili mo naman po ako ng bagpack yung mura lang. Huwag yung Herschel ate pero matibay daw po yun gamitin eh.
Pag uuwi ako imbes na chocolate ay dress ang gustong pasalubong ng mga kapatid ko. Magkakaiba man ang aming edad ay iisa na lamang ang aming sukat, paborito ko ay paborito na din nila kaya madali nalang para saking mamili. Matapos masurrender ang naiwang gamit ng panauhin ay sinilip ang scheduler pero wala si Mam. Hala anong oras na pala. Madali akong tumungo pabalik at tinapos ang kwarto upang malinisan ang ika-apat sa aking kota.
*Ang ika-apat. Tanghaling tapat na. Maganda ang panahon. Hindi ko napigilang tingnan ang kagandahan ng ulap mula sa bintana ng nililinis kong kwarto. Noon pa ma’y kahit studyante pa lamang ako ay hilig kong maupo sa tapat ng bintana, habang wala pa ang guro ay napapatingin sa mga ulap at bumubuo ng pangarap. Nakahiligan ko ang pagtatanghal, pagsasayaw, pag-arte, maging bahagi ng produksyon at mag-organisa ng mga kaganapan tulad ng catering, kaarawan, kasal, at concierto. Habang nag-aaral ay naging aktibo ako sa mga organisasyon. Pagod, mababa ang bayad madalas na wala pa. Pero masaya, malaking fulfillment ang naramdaman ko. Mas nagrow din ang personalidad ko at lumawak ang karanasan ko pagdating sa pakikitungo sa iba’t ibang karakter ng mga tao. Pagkatapos ko ng kolehiyo ay kailangan kong mamimili kung pera ba o ang aking hilig. Wala akong nagawa, breadwinner ako, kaya aking pinagpalit sa Pataca ang kinagigiliwan kong gawin. Ang pasilyo at ang apat na sulok na ngayon ang aking bagong tahanan.
*Habang nasa ikalimang kwarto ay napasigaw ako sa biglaang pagkakasanggi ko sa bubog, nabasag pala ng panauhin ang isang baso sa loob ng kwarto. Nagsimulang magdugo ang aking mga kamay, dali daling nagtungo sa pantry at tinapalan ng medical tape ang parteng nagdurugo. Ikatlong sugat ko ngayong linggo. Pero syempre hindi ito ang bagay na magpapasuko sa akin. Sa dinami dami ng pagsubok na pinagdaanan ko. Sugat lang to. At bigatin ako ng Tondo! Dalawampung taong gulang ako noon, at ako’y punung puno ng pag-asa, naniniwala akong
-Walang impossible!
-Lahat magagawa!
-Lahat ay kaibigan!
At ang paborito kong linya, ang walang kamatayang..
HAPPILY EVER AFTER.
Maliwanag at makulay ang buhay para sa akin noon.. Noon! Noon yun! Sampung taon na ang lumipas.Dalawang buwan na lamang ay kaarawan ko na. Ang palangiti at inosenteng ako na nakuha ko mula sa labing siyam na taong gulang na sarili ko noon, ay ipagkakaloob ko sa tatlumpung taong gulang na ako na may punung puno na sugat ang puso ngunit matapang! Tahimik ngunit punung puno ng pasasalamat! Masaya dahil bawat araw para sa akin ay biyaya. Hindi pa din naman ako nawawala ng pag-asa, naniniwala pa din akong
– “Walang Impossible” basta manalig ka, dapat mong paghirapan at pagsikapan! – – “Lahat magagawa” ngunit kailangan mo din magpahinga alaagaan mo ang iyong sarili dahil paano mo matutupad ang pangarap mo kung may sakit ka!
-“Lahat ay kaibigan” pero hindi ibig sabihin nun ay kaibigan ka na din nila kaya mag-iingat sa pagbibigyan mo ng tiwala at lalong ingatan ang binibigay na tiwala sayo.
“HAPPILY EVER AFTER” oo meron nito, manalig ka lang, huwag kang magmadali pagkat ipagkakaloob naman sa iyo ito pag handa ka na, pag deserve mo na. At sa Hulyo sa aking kaarawan ang aking ipagdiriwang lahat ng peklat at sugat na natamo ko sa buhay dahil sa mga yun kaya mas lalo pa kong naging matatag. Handa na ulit ako sa next challenge. Laban lang!!
*Ikaanim na kwarto na ng kumalam ang aking sikmura. Kung anu-anong pagkain na tuloy ang nasa isip ko sinigang, adobo, papaitan at sisig mabuti na lamang may mga kainang pangpinoy na din sa San Malo. May Sarimanok, Giro’s, Chinoy, Lilys, DC Cafe, at Umami. Pag gusto ko ng Chickenjoy at spaghetti, pagkatapos kong kulitin si Lord at banggitin sa mga dasal ko.. Sa wakas! Congrats Macau! Meron ka na ding Jollibee. Marami ding thai food dito tulad nung Tom Yum soup sa Yarawat Nina na pag hinigop mo makakalimutan mong hindi ka crush ng cush mo, yung Pad Thai sa ponte 16 pag natikman mo para mo na ding natikman yung pagmamahal niyang hindi napasayo, at higit sa lahat yung thai milk tea ng Tuktuk diyan sa Taipa pag natikman mo sasaya ka dahil magigising ka sa katotohanang matagal ka nang nagpapakatanga! Kumakalam pa din ang sikmura ko namiss ko yung luto ni mama na KBL (Kadyos, Baboy, Langka) sikat na ulam sa Ilo-Ilo pati yung “Laswa” na may maliliit na hipon. Dito pa nga ako bibili ng sahog nun, ang sasarap ng dries fishes at seafood ng Macao nung binisita ko ang Coloane, dinaanan ko na din yung Lord Stow para bumili pambansang pasubong, ang eggtart. May isa pang sikat na kainan sa dito na sikat na sikat sa Pilipino yung tuhog-tuhog sa kanto gustung gusto ko yung sauce na may kaunting anghang sa curry. Yung beef na parang tocino papuntang putol ang sarap mag-uwi din pampasalubong, kakaiba din yung sardinas na may black beans binili ko sa Almasen at yung jumbo Ma-ling nila sa San Miu. Ikaw anong paborito mo?
*Ikapitong kwarto ko na pero hindi pa din ako kumakain, nagmamadali na kasi ang aming panauhin makapagpahinga kaya naman kailangan kong linisin ang magiging kwarto niya. Ang hirap kumita ng pera, ngunit kailangan kong pagbutihin ang aking mga gawain. Kahit mahirap. Pagtulak palang ng malakarwaheng trolley isang ikaapat na agad ng lakas ko ang nabawas. Pagbukas agad ng pinto ay bubungad sayo ang mausok,maasim at mahalumigmig na itsura ng kagubatan este kwarto, kwarto pala to. Yung mga basurahan ay parang miniature ng estero sa Tayuman. May malalagkit na sabaw, pupu ng bata, condom na gamit, dura at suka. Ang higaan minsan itataob p ang mismong base, aalisin ang kutson at ilalagay sa sahig. Hindi mabibilang sa daliri kung ilang kubrekama ang ipinapagpag at pinapalitan araw-araw para makagawa ng maayos na higaan. Katuwang ko din ang ibat’ibang chemicals sa pagpuksa sa mga kalaban. Heto at aking susuotin ang infinity gloves para masimulan na laban. Lababo, inidoro at mga salamin, sahig at pader ay kailangang kuskusin. At kukuha ng basahan upang alisin ang mga alikabok, buong araw na akyat-panaog, takbo, gapang hanggang malinis ang buong kapaligiran at sisimulan ng vacuumin ang carpet. Dadalhin sa pantry ang mga hugasan at muling sisilipin kung kumpleto na ba ang lahat at pababanguhin ang kwarto na kanina ay malakagubatan.
*Habang binabaybay ko ang kahabaan ng pasilyo patungo sa ikawalong kwarto ay may karwahe akong nakasalubong, dahil gutom ako at nanlalabo ang paningin ko ay hindi ko masyadong maaninag kung sino ito. Papalapit nang papalapit ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso kong matagal ng nahuhulog para sa.. para sa.. sa kanya. Shebe ke ne nge be eh yeng creeesh ke endete. Yung bilog kong mata naghugis puso tumitibok tibok pa. Oh! Ang gwapo ni Rickman! Ang bango niya, para siyang anak ng may-ari ng Johnsons and Johnsons baby cologne. Ang cute ng malamlam niyang mga mata, mga matang parang hindi na hahanap pa ng iba, yung ilong niya ang tangos, ang ganda ng labi pag ngumiti, yung paa, tuhod, balikat, ulo.. paa, tuhod, bali…Bigla akong natauhan nang batiin niya ako ng “Hello”. Ngumiti din ako pabalik sabay sabi ng “I.. I love you too”. Nilapitan niya ako kumuha ng panyo at pinunasan ang pawis sa aking mukha at sabay sabi ng “Huwag mo masyadong pabayaan ang sarili mo, tingnan mo pinapagpapawisan ka na naman”. (tumugtog ang isang romantikong musika sa background)
Sta. Maria Inang Birhen!!! Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong HIKIL (hiya at kilig) namula ako, nagbaga! Pwede na mag-ihaw ng banana cue sa fes! Ganun ang peg ng pagkared! Baaagghhh!!! Bigla akong nagising sa katotohanan. Tumama yung trolley ko sa pader. Shocks! Lumingon ako sa paligid walang tao, mabuti na lamang at wala kong nasira. Hayy!! Imahinasyon lang pala ang lahat, makapaglinis na nga lang.
*Ikasiyam na kwarto nang makaramdam ng pagod ang katawang lupa ko. Sumasakit na ang aking mga paa sa buong araw na walang tigil na pagtakbo, paglalakad, at pag-akyat suot itong mabigat na sapatos. Humahapdi na naman ang sugat sa aking kamay. Sumasakit ang likod pagkat ilang beses ang pagyuko ko sa buong araw na pagkakama, nanlalambot ang aking tuhod buong araw na kakaluhod at kakiskis ng mga sahig. Nakakaramdam din ng ngalay ang braso ko sa pagbubuhat ng mabigat at pati na rin ang aking leeg. Unang taon ko ng pagiging OFW ko ay nagpakasaya ako sa sahod na natanggap ko, panay bili ng kung anu-anong mga bagay na akala ko kailangan.Make-up, accessories, bags, pabango, sapatos at pampaganda. Madalas din kami magfood trip ng matalik kong kaibigan na si Cath at si Irish. Almusal, tanghalian at hapunan ay sa labas. Mahilig kami sa buffet, milktea chips at ice cream. Sa isang buwan dalawa o tatlong beses kaming manood ng sine. Ilang iba’t ibang bansa na din ang pinuntahan namin sa mailkling panahon. Hanggang sa mapagtanto naming kailangan din naming mag-ipon. Ang dating #foodislife #travelislife #YOLO ay hindi pa din mawawala sa akin ngunit idinagdag ko sa aking layunin sa buhay ang mag-ipon at mag-invest, dahil hindi habang buhay ay magtatrabaho tayo sa ibang bansa. Umaandar ang oras hindi ka laging malakas, at tumatanda na din ang aking mga magulang, lumalaki na din ang aking mga kapatid. Hindi ko hihintayin ang balang araw pa na darating bago pa magtabi para sa aking sarili. Paunti-unti ay iipunin ko ang pera ko hanggang sa matupad ko ang pangarap ko at maging Financially free na din ako. Paunti-unti ay pag-aaralan ang bagong mga hakbang para mapa-unlad ang aking kasanayan at kakayahan sa pagmamanage pangpinansyal at maging sa iba pang larangan. Paunti-unti ay pagyayamanin ko pa ang aking talento para makatulong at maging inspirasyon din sa mas nakababatang henerasyon.
*Ikasampung kwarto nang mapansin ko ang lumang letrato ng Macau noon sa isang magazine na nakaset-up sa kwarto. Napalaking pagbabago na ngayon. Tuluy-tuloy ang pag-asenso, kasabay ang pag-ahon ng naging bahagi nito hindi lamang ng kanilang local kundi pati nadin ng tulad kong foreign migrants workers at ng iba pang pursigido umangat sa buhay. Sa kabila ng pagod na pagod kong katawan ay masigla ang aking puso. Salamat sa Diyos sa walang hanggang pagmamahal, sa masayang pamilya, sa mga tunay na kaibigan, sa Pilipinas na bansang kinalakihan, at sa Macau na bansang pinagtatrabahuhan.
At sa iyo, salamat din sa pagsama sa akin, sa paglilinis ng aking mga kwarto. Ang huling apat na kwarto ay may panauhin sa loob kaya maiwan na muna kita dyan sana ay nagustuhan mo ang ating pinagsaluhan. Hanggang sa muling pagtitipon. Ako ang Cinderella ng Macau, masayang naglilingkod sa inyo.